ICC ITINANGGI NA MAY PUBLIC WARRANT NA INISYU KONTRA KAY BATO

 


 

Inihayag ng International Criminal Court (ICC) na walang public arrest warrants ang inisyu laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

 

Ito ay kasunod ng mga usap-usapan na naglabas na ang ICC ng arrest warrant laban sa senador na matagal na ring hindi pumapasok sa trabaho.

 

Tumanggi namang magkomento ICC spokesperson Oriane Maillet nang tanungin kung naghain na ng aplikasyon para sa warrant laban kay Dela Rosa ang prosekusyon ng ICC at kung nangangahulugan itong may warrant na pero hindi pa naisasapubliko.

 

Matatandaan na pinangalanan ng ICC Office of the Prosecutor si Dela Rosa, kasama ang iba pa, bilang co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa crimes against humanity cases sa madugong war on drugs.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito