MGA PULIS IPAPAKALAT SA PAGBUBUKAS NG KLASE

 


 

Magpapakalat ng mga pulis sa buong bansa bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 8, 2026 na layong tiyakin ang seguridad ng mga paaralan, transport hubs, at pangunahing kalsada.

 

Sa isang pahayag sinabi ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., na inatasan nito ang lahat ng police units na palakasin ang visibility patrols, traffic management, at public assistance operations upang matiyak ang kaligtasan sa mga paaralan.

 

Dagdag pa dito, ipinagutos rin sa mga police commander na makipag-ugnayan sa mga paaralan, barangay officials, at lokal na traffic offices, habang magtatayo ng police assistance desks sa mga strategic na lugar para sa agarang tugon sa mga reklamo at emerhensiya.

 

Samantala hinimok naman ng PNP ang mga magulang, barangay officials, at volunteers na makiisa sa pagpapanatili ng seguridad, lalo na sa mga mataong lugar kung saan maaaring maging biktima ng nakawan at panlilinlang ang mga estudyante.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito