Maaaring umabot sa pagitan ng 7.1% at 7.9% ang inflation
rate ng bansa ngayong Mayo, bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng ilang
pangunahing pangangailangan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa BSP, kabilang sa mga pangunahing nagtutulak sa
pagtaas ng inflation ang pagmahal ng bigas, gulay, at karne.
Dagdag pa rito, nakadagdag din sa inflationary pressures ang
paghina ng halaga ng piso laban sa iba pang mga inflationary pressures.
Sa kabila nito, may ilang salik na nakatulong upang
mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo. Kabilang dito ang pagbaba ng presyo
ng mga produktong petrolyo, mas murang halaga ng isda sa merkado, at bahagyang
pagbaba ng singil sa kuryente.
Noong Abril, naitala ang inflation rate sa 7.2%, mas mataas
kumpara sa 4.1% noong Marso at lumampas pa sa naunang forecast ng BSP. Batay sa
mga ulat, ang pagtaas ng inflation noong nakaraang buwan ay pangunahing dulot
ng pagmahal ng pagkain at gastusin sa transportasyon.
Isa rin sa mga nakaapekto sa presyo ng mga bilihin ang
pabago-bagong galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na iniuugnay
sa umiiral na tensyon sa Middle East.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento