Inatasan ni Senate President Alan Peter Cayetano ang vice chairperson ng Blue Ribbon panel na si Senador Rodante Marcoleta na mag-isyu ng notices para ipagpatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control scandal na itinakda sa Huwebes, Hunyo 4.
Ayon kay Cayetano, ang imbestigasyon sa flood control ang
isa sa tatlong pangunahing isyu na tututukan ng Senado, kasama ang mga isyu na
may kaugnayan sa krisis sa ekonomiya at impeachment ni Vice President Sara
Duterte.
Matatandaang noong Abril ay sinuspinde ni dating Blue Ribbon
Committee chairperson Panfilo Lacson ang mga pagdinig sa flood control scandal
hanggang makakuha ng siyam na pirma mula sa committee members para isponsoran
at ipresenta ang partial report ng kontrobersiya.
Ayon kay Lacson, ang partial report sa flood control
controversy ay maaaring mai-archive kung bigong makakuha ng sapat na pirma ang
panel sa oras na mag-adjourn sine die ang 20th Congress sa Hunyo 5, 2026.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento