MAHIGIT 10,000 MGA PILIPINO NAPAUWI MULA SA MIDDLE EAST- DMW

 



 

Umabot na sa 10,129 Pilipino ang napauwi mula sa Middle East dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

 

Batay sa datos noong Mayo 24, kabilang sa mga naiuwi ang 7,988 OFWs, 1,779 dependents ng OFWs at 362 stranded Filipinos.

 

Maliban dito, nabatid na nabigyang tulong din ang aabot sa 34,188 OFWs at iba pang apektadong Pilipino, alinsunod sa direktiba ni Ferdinand Marcos Jr.

 

Dagdag pa dito nasa 70,148 onsite services naman ang naibigay para sa mga OFW at kanilang pamilya bilang bahagi ng welfare at support programs.

 

Samantala patuloy namang pinalalakas ang reintegration at welfare programs upang matiyak ang ligtas na pag-uwi at maayos na pagbabalik ng mga OFW sa bansa.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito