Isinusulong ngayon ang panukalang batas na layong amyendahan
ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga empleyado ng gobyerno at
itaas ito sa ₱9,000 kada buwan mula sa kasalukuyang ₱2,000.
Nabatid sa House Bill No. 9331 ni Nueva Vizcaya
Representative Timothy Joseph Cayton na layon nitong bigyan ng dagdag na
suporta ang mga empleyado ng gobyerno sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo
sa mga pangunahing pangangailangan.
Sakop nito ang regular, casual, contractual, appointive, at
elective government employees na nasa ilalim ng Compensation and Position
Classification Act.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento