Nadismaya at
nabigla ang isang lalaki matapos niyang matuklasan na lalaki rin pala ang
kaniyang napangasawa sa isang tradisyunal na kasal ng mga Muslim.
Batay sa
ulat, matapos lamang maisagawa ang seremonya nalaman ng lalaki ang tunay na
pagkakakilanlan ng kaniyang asawa, na ikinagulat din umano ng kaniyang pamilya.
Inilarawan ng
pamilya ng lalaki ang insidente bilang isang matinding panlilinlang.
Ayon naman sa
biktima, labis umano siyang nasaktan at hindi makapaniwala sa nangyari.
Samantala,
nakatakda umanong magsampa ng kaukulang reklamo ang panig ng lalaki laban sa
nasabing indibidwal.

0 Mga Komento