Isang fetus
ang nasawi matapos tanggihan ng anim na ospital ang isang 29-linggong buntis sa
South Korea, ayon sa mga ulat.
Unang dinala
ang babae sa isang obstetrics clinic sa Cheongju, North Gyeongsang Province
matapos makaranas ng pagdurugo. Subalit nang mapansin ang pagbaba ng fetal
heart rate, agad siyang inirekomendang ilipat sa mas malaking ospital na may
kakayahang tugunan ang kanyang kondisyon.
Sa kabila ng
agarang pangangailangan ng medikal na atensyon, anim na ospital ang umano’y
tumangging tanggapin ang pasyente dahil sa kakulangan ng mga espesyalista.
Dahil dito,
napilitan ang mga awtoridad na isakay ang buntis sa isang helicopter upang
dalhin sa Dong-A University Hospital sa Busan, na tinatayang may tatlo’t
kalahating oras na biyahe.
Gayunpaman,
pagdating sa ospital ay wala nang buhay ang fetus. Nakaligtas naman ang ina at
patuloy na inoobserbahan.
Ang insidente
ay muling nagbigay pansin sa isyu ng kakulangan ng mga espesyalista at
kapasidad ng ilang ospital sa South Korea, lalo na sa mga emergency na kaso ng
pagbubuntis.

0 Mga Komento