PILIPINAS NANGUNA SA WORLD’S BEST BEACHES 2026


 

Nanguna ang Pilipinas sa listahan ng World’s 50 Best Beaches ngayong taong 2026.

 

Nakuha ng Entalula Beach sa El Nido, Palawan ang top 1 spot mula sa no. 2 noong nakaraang taon.

 

Ayon sa World's 50 Best Beaches, ang tubig sa Entalula Beach ay malinaw at mahinahon, na ginagawa itong magandang lugar para lumangoy at magpahinga.

 

Dahil sa mala pulbos na kaputian ng buhangin at matatarik na limestone cliff, inilalarawan ito bilang "isa sa mga pinaka-kapansin-pansing lugar sa rehiyon at sa mundo."

 

Samantala, nasa ika-25 puwesto sa listahan ang Kalanggaman sa Palompon, Leyte.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito