Nasa humigit-kumulang 20 toneladang expired na frozen meat ang nasabat ng mga awtoridad sa isang warehouse sa Marikina City sa bisa ng ipinatupad na search warrant.
Ayon sa Philippine National Police, hindi na ligtas kainin ang mga nakumpiskang karne at posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan kapag naipamahagi sa merkado.
Batay sa paunang imbestigasyon, pinaghihinalaang ibinebenta o ipinapamahagi pa rin ang mga expired na frozen meat kahit lampas na sa itinakdang petsa ng konsumo.
Samantala, 12 indibidwal ang naaresto kaugnay ng operasyon at nahaharap sa mga kasong paglabag sa food safety at meat inspection laws.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may iba pang sangkot at kung saan posibleng naipamahagi ang mga nasabing produkto.

0 Mga Komento