Nanawagan ng tulong ang singer at It’s Showtime host na si
Teddy Corpuz matapos umanong pinasok ng isang lalaki ang kanilang bahay sa
Quezon City nitong May 3.
Ibinahagi rin ng bokalista ang CCTV footage sa social media
kung saan makikita ang itsura ng lalaking nanloob sa kanilang bahay.
Ayon kay Corpuz, ilan sa mga natangay ang iPad, charger, at
ilang mga singsing.
Aniya pa, pina-enhance na niya ang CCTV footage upang mabilis
na matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
Dahil dito, panawagan ni Corpuz sa publiko na maging alerto at humihingi
din ito ng tulong upang agad na mahanap ang lalaking nasa video.

0 Mga Komento