WAGE HIKE SA LABOR DAY, IMPOSIBLE- DOLE


 

Walang pagtaas ng sahod sa mga manggagawa sa May 1 o Labor Day kasunod ng nararanasang krisis sa Middle East.

 

Sa isang pahayag sinabi ni DOLE Undersecretary Benedicto Bitonio na may mga rehiyon na nagtaas ng umento ngunit ito ay hindi kaugnay sa krisis dahil naaprubahan na ito bago pa man ang krisis sa Gitnang Silangan.

 

Sa kabila nito, binigyang-diin ni Bitonio na posibleng tinatalakay na ito ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board.

 

Ayon sa kalihim, ang mga rehiyon na inaprubahan ang pagtaas ng sahod bago pa man sumikla ang tensyon na nakaapekto rin sa mga manggagawa ay mula sa anim na rehiyon kabilang na ang Region III, IV-A, V, X, XI, at CARAGA.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito