BILANG NG MGA PASAHERO SA MGA PANTALAN TUMAAS NG 8 PORSYENTO KUMPARA SA NAKALIPAS NA TAON


 
 

Tumaas ang bilang ng mga dumagsa na mga pasahero sa mga pantalan ngayong taon kumpara noong nagdaang Semana Santa, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

 

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na umabot na sa 1.7 milyong pasahero ang dumagsa sa mga pantalan simula noong ika-28 ng Marso hanggang ika-1 ng Abril 2026.

 

Mas mataas ito ng walong porsiyento kumpara noong 2025.

 

Karamihan aniya sa bilang na ito ay na-monitor sa Cebu, Iloilo, Aklan, Batangas, at Oriental Mindoro o mga probinsyang kilala bilang “tourist destination.”

 

Inaasahan pang tataas ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong araw hanggang bukas.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito