Masisilayan
ngayong buwan ng Abril ang tinatawag na “Pink Moon,” partikular sa unang araw
ng Abril ganap na alas-10:12 ng gabi (EDT).
Bagamat tila
nakakatawag-pansin ang pangalan, nilinaw ng mga eksperto na hindi talaga
nagiging kulay rosas ang buwan.
Ayon sa mga
astronomers, ang “Pink Moon” ay nagmula sa maagang pamumulaklak ng halamang ‘creeping
phlox’, isang wildflower nativer sa silangang bahagi ng Hilagang Amerika.
Tinatawag din
itong ‘Paschal Full Moon’, ang unang full moon matapos ang March equinox.
Samantala,
bagama’t hindi nagiging kulay rosas ang buwan, maaari itong magmukhang kulay
kahel o ginto kapag ito ay malapit sa horizon.
Ito ay dahil
sa phenomenon na tinatawag na ‘Rayleigh scattering’, kung saan nasasala ng atmosphere
ng mundo ang maiikling wavelength ng liwanag.
Para sa mga
nasa Pilipinas, ang eksaktong oras ng kabilugan ng buwan ay magaganap sa umaga
ng Abril 2. Gayunpaman, makikita pa rin ang halos buong buwan sa gabi bago at
pagkatapos ng peak nito.
Hinihikayat
ang publiko na pagmasdan ang kalangitan sa mga gabing ito upang masaksihan ang
isa sa mga natural na pangyayaring nagbibigay aliw at kaalaman tungkol sa ating
kalawakan.

0 Mga Komento