Pinabulaanan ng Malacañang ang kumakalat na balita ng
“energy lockdown” simula Abril 20.
Sa isang pahayag hinikayat ni Palace Press Officer Claire
Castro ang publiko na abisuhan ang kani-kanilang pamilya at kaibigan tungkol sa
umano’y energy lockdown.
Sa post ay hinikayat ang publiko na maghanda ng “power bank,
solar equipment, rechargeable fan, flashlight, candles, lamps, foods, medicines
[and] water” sa paghahanda sa umano’y implementasyon ng energy lockdown.
Kaugnay nito hinimok naman ng Palasyo ang mga netizen na
huwag mag-share ng mga maling impormasyon sa social media.
Sa kasalukuyan ay hindi nakikita ang energy lockdown dahil sa
pagtuloy na pagkuha ng pamahalaan ng alternatibong fuel source sa nagpapatuloy
na tensyon sa Middle East.
✍TERESA IGUID

0 Mga Komento