Kinasuhan ng
trademark infringement ang singer na si Taylor Swift dahil sa pamagat ng
kaniyang album na “The Life of a Showgirl.”
Inihain ni Maren
Wade ang reklamo laban kay Swift, pati na rin sa Universal Music Group at Bravado
International Group Merchandising Services Inc.
Ayon kay Wade, kahawig umano ng kaniyang
rehistradong brand na “Confession of a Showgirl” ang ginamit na pamagat ng
album.
Iginiit ni
Wade na matagal na niyang ginagamit ang naturang pangalan sa iba’t ibang
proyekto gaya ng kaniyang column, mga pagtatanghal sa entablado, podcast, at
libro.
Aniya, ilang
dekada niyang pinagyaman ang brand bago ito tuluyang nairehistro noong 2015.
Ayon pa sa
mga rekord, tinangka ng kampo ni Swift na ipa-trademark ang “The Life of a
Showgirl,” ngunit hindi ito naaprubahan ng United States Patent and Trademark
Office.
Si Wade ay
unang nakilala matapos sumali sa America's Got Talent noong 2014, at ngayon ay
nakabase sa Las Vegas, kung saan niya itinanghal ang kaniyang one-woman cabaret
show na may kaparehong pangalan ng kaniyang brand.

0 Mga Komento