NASA 300K INBOUND, OUTBOUND PASSENGERS NAITALA SA MGA PANTALAN NOONG BIYERNES SANTO


 

Kabuuang 147,035 outbound passengers at 146,691 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa bansa ang nailista noong Biyernes Santo, base sa monitoring ng Philippine Coast Guard.

 

Nasa 16 naman ng PCG Districts ang nakapagsagawa ng inspeksyon sa 1,635 barko at 2,657 motorbanca.

 

Kaugnay nito naiulat din ng PCG na nakapagtala sila ng 60,492 outbound passengers at 49,574 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali nitong Sabado de Gloria.

 

Nakapag-inspeksyon naman ang 16 PCG Districts ng 574 barko at 1,828 motorbanca sa nasabing araw.

 

Matatandaan na nakataas ang heightened alert sa lahat ng distrito, istasyon at sub-station ng PCG mula noong Marso 28, 2026 hanggang ngayong Linggo, Abril 5 para sa dagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito