SINUSULONG NA PAG-BAN NG ROBLOX SA PILIPINAS, HINDI NA IPAGPAPATULOY

 


 

Hindi na ipagpapatuloy ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pag-ban sa online gaming platform na Roblox matapos makipag ugnayan sa mga developers.

 

Ayon sa DICT at CICC nakipagpulong sila sa mga representatives ng Roblox, mga kapulisan, at pribadong sektor kung saan napagkasunduan na magbibigay ng mas matibay na proteksyon para sa mga menor de edad na Pilipino.

 

Nangako rin ang Roblox na magpapatupad ito ng mas istriktong monitoring at age-appropriate content controls sa kanilang platform.

 

Samantala nakatakda rin na mag lunsad ang Roblox ng information campaign sa Abril 12 na layong ipabatid kung paano gamitin ang safety tools, kasama na ang parental controls para sa screen time ng mga kabataan, at mapigil ang inappropriate na mga content.

 

✍️TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito