Pinahintulutan ng Commission on Higher Education (CHED) ang
mga kolehiyo at unibersidad na magpatupad ng 100 percent online classes bilang
pansamantalang tugon sa krisis sa suplay ng langis at kuryente dulot ng
nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.
Aprubado ang naturang polisiyang sa ilalim ng “Academic
Sustainability Plan” ng ahensya upang bigyan ng ganap na flexibility ang lahat
ng higher education institutions na magpatupad ng full online learning batay sa
kanilang kahandaan.
Paglilinaw naman ni CHED Chairperson Shirley Agrupis, ang
mga paaralang lilipat sa full online classes ay hindi awtomatikong kikilalanin
bilang accredited providers ng formal online distance education sa ilalim ng
Online Distance Education Learning framework ng CHED.
Layunin nitong matulungan ang mga estudyante, guro, at mga
paaralan sa pagharap sa tumataas na gastusin sa pamasahe at kuryente ngunit
hindi dapat maapektuhan ang learning outcomes.
✍️TERESA IGUID
0 Mga Komento