Umabot na sa
331 kabataan ang nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa isang
medical facility sa Pakistan, ayon sa mga ulat.
Batay sa
imbestigasyon, napag-alaman na paulit-ulit umanong ginagamit ang mga syringe
kung saan umaabot sa hindi bababa sa sampung beses ang paggamit nito sa
multi-dose vials.
Nadiskubre
rin na hindi gumagamit ng gloves ang ilang medical staff sa pag-administer ng
injection, hindi maayos ang pagtatapon ng medical waste, at may mga kagamitang
iniiwan sa hindi sterile na kondisyon.
Gayunpaman,
pinabulaanan ng naturang medical facility ang mga natuklasan sa imbestigasyon.
0 Mga Komento