PRESYO NG LPG BUMABA; P3/KILO BAWAS NGAYONG ARAW

 



Epektibo ngayong araw, April 17, 2026, ang bawas-presyo sa kada kilo ng LPG.

Ayon sa Republic Gas Corporation (REGASCO), nasa P3.00 ang ibabawas sa kada kilo ng LPG kasunod ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, maging ang mas mababang gastos sa shipping at transportasyon sa local market.

Sinabi pa ng REGASCO na kabuuang P6/kilo ang ibinawas sa presyo ng LPG mula nitong April 14 hanggang 17.

Kung saan, ang suggested retail price (SRP) ng 11-kg LPG ay kasalukuyang nagkakahalaga ng P1,422 hanggang P1,533.

Samantala, nauna nang ipinatupad ang naturang bawas-presyo kasunod ng pagtatanggal ng excise tax sa LPG na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito