Posible ang rollback sa presyo ng langis sa susunod na
linggo kasunod ng pagbaba ng galaw ng pandaigdigang presyo ng langis, ayon kay
Energy Secretary Sharon Garin.
Aniya, sapat ang suplay ng langis sa bansa na umaabot sa
humigit-kumulang 50 araw, bukod pa sa tuloy-tuloy na lingguhang dating ng
bagong supply.
Prayoridad din aniya ng pamahalaan ang suplay ng langis para
sa mga power plant upang matiyak ang katatagan ng enerhiya.
Kaugnay nito patuloy namang sinusuri ng pamahalaan ang
posibleng pagbabago sa excise tax ng petroleum products sa pamamagitan ng
Development Budget Coordination Committee.
✍️ TERESA IGUID
0 Mga Komento