PSA WALANG RECORD NG TAONG MAY PANGALANG 'MARY GRACE PIATTOS,' 'KOKOY VILLAMIN'


 

Walang rekord ng sinumang nagngangalang "Mary Grace Piattos" at "Kokoy Villamin" ang Philippine Statistics Authority (PSA).

 

Ang dalawang pangalan ay sinasabing tumatanggap ng mga kumpidensyal na pondo.

 

Ang PSA ay may rekord ng "Irene Tan," ngunit sinabi nila na ito ay karaniwang o madalas gamitin na pangalan.

 

Sa pagdinig ng House Committee on Justice, sinabi ni Marizza Grande, assistant national statistician ng PSA, na wala silang nakuhang birth, marriage, o death records nina Mary Grace Piattos, Kokoy Villamin, at Milky Secuya.

 

Ang mga pangalan ay lumabas sa isa sa mga resibo na isinumite ng OVP sa Commission on Audit upang bigyang-katwiran ang kanilang mga kumpidensyal na gastos noong 2022.

 

✍️ TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito