INVISIBLE PERO MILLION PESO ANG HALAGA?


Nabili sa mahigit ₱1 milyon ang isang obra ng Italian artist na tinawag na “invisible sculpture” sa isang auction sa Milan.


Ayon sa viral post, naibenta ang likhang-sining na may pamagat na Io Sono sa halagang $18,300. Ngunit ang kapansin-pansin, walang natanggap na pisikal na artwork ang buyer. Sa halip, isang certificate of authenticity at mga instruksyon kung paano ito ipapakita sa isang bakanteng espasyo na may sukat na 5×5 talampakan ang ibinigay.

Dagdag pa ng artist, umiiral umano ang obra bilang purong enerhiya at kaisipan, na may kaugnayan sa quantum physics—lalo na sa ideya na kahit ang vacuum ay hindi ganap na walang laman.

Sa kabila ng paliwanag na ito, marami pa ring netizens ang nagduda at kinuwestyon kung paano maituturing na sining ang isang “invisible sculpture.”

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens online.

“He deserves invisible cash.”

“He sold nothing for $18k. I'm selling my couch for $10k—it's invisible too.”

“Give the coin a sound in a sack and say it's already paid for his invisible sculpture.”

“I would buy some using my invisible money. Lol.”

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito