Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na
makumpleto ang mahigit 9,000 silid-aralan bago matapos ang 2026.
Ito ay layong mabawasan ang kakulangan ng mahigit 150,000
istruktura ng paaralan sa bansa.
Nabatid na sa nakaraang administrasyon, 22 silid-aralan lamang ang
natapos sa kabila ng pondong inilaan para sa mahigit 4,000 proyekto.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, nasa 3,000 ang kasalukuyang
ginagawa, at 2,500 ang inaasahang matatapos ngayong Hunyo.
Dahil dito nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga malalaking
contractor para mapabilis ang pagtatayo ng mga istruktura habang tinitiyak ang
kalidad.
✍️ TERESA IGUID
0 Mga Komento