Muling iginiit ni Senador Win
Gatchalian ang pangangailangang magpatupad ng social
media ban para sa mga menor de edad sa Pilipinas.
Ito ay matapos ipatupad ng Indonesia
ang kaparehong polisiya para sa mga wala pang 16 taong gulang,
Sa ilalim ng naturang regulasyon,
ipagbabawal para sa mga wala pang 16 taong gulang ang paggawa at paggamit ng
account sa mga platforms na itinuturing na ‘high-risk,’ kabilang ang Instagram,
Tiktok, Facebook, YouTube, X, Roblox, at iba pa.
Matatandaan na kamakailan lamang ay
hinimok ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang mga
telcos na maghanda para sa posibleng ban ng Roblox sa buong bansa upang
protektahan ang mga bata mula sa pang-aabuso sa online platform at sa
nakakapinsalang nilalaman ng naturang platform.
Binalikan din ng senador ang mga naging
resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), kung
saan lumalabas na sa bawat isang oras na dagdag sa paggamit ng digital devices
ng mga 15-taong gulang na mga mag-aaral para sa paglilibang, bumaba ng apat na
puntos ang kanilang mga marka sa math.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento