PBBM ‘IN GOOD CONDITION’ AYON SA MALACAÑANG

 



Ipinasiguro ng Malacañang na nasa mabuting kalagayan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at patuloy na gumaganap ng kanyang mga opisyal na tungkulin.

 

Sinabi ito ni Palace Press Officer Claire Castro matapos hindi dumalo si Marcos sa nakatakdang event para sa mga umuuwi na overseas Filipino worker.

 

Matatandaang una nang ikinabahala ng publiko ang kumakalat na post online sa umano’y hindi magandang health condition ng Presidente.

 

Dahil dito hinimok ni Castro ang publiko na mas makinig sa mainstream media kaysa sa mga post sa social media na walang basehan dahil patuloy aniya ang pagpapakalat ng mga mapanlinlang na impormasyon.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito