Aabot sa 23 porsiyento ang pagbaba ng focus crimes sa buong
bansa ngayong Holy Week at sa linggong nauna rito kumpara sa kaparehong panahon
noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), bumaba
ang focus crimes mula 1,574 kaso noong Abril 5 hanggang 20 ng nakaraang taon sa
1,207 kaso mula Marso 21 hanggang Abril 5 ngayong taon, o katumbas ng 367 mas
kaunting insidente.
Kaugnay nito sinabi naman ng PNP na pinaigting nito ang
koordinasyon sa mga opisyal ng komunidad at mga residente upang sugpuin ang
cigarette smuggling, alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos
Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa criminal syndicates.
Matatandaan na noong Abril 2 nasabat ang nasa P50 milyong
halaga ng smuggled cigarettes sa Maguindanao del Norte bilang patunay ng
epektibong intelligence sharing.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento