Mariing isinusulong ni Imee Marcos ang isang panukalang batas na naglalayong bawasan ang buwis ng mga Pilipino bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 2005, iminungkahi ng senador ang pagtaas ng income tax exemption mula sa kasalukuyang ₱250,000 tungo sa ₱500,000 na taunang kita. Layunin nitong mabawasan ang buwis na binabayaran ng mga manggagawa at mapataas ang kanilang take-home pay.
Bukod dito,
nakapaloob din sa panukala ang pagtaas ng ceiling ng tax-exempt bonuses,
kabilang ang 13th month pay at iba pang benepisyo na tinatanggap ng mga
empleyado.
Ayon sa
senador, mahalagang maibsan ang pasanin ng publiko lalo na sa harap ng tumataas
na gastusin dulot ng pagmahal ng produktong petrolyo at iba pang pangunahing
bilihin.

0 Mga Komento