Itinanggi ng
mag-asawang sina Rolando “Bobby” Solancho Corpuz, 57, at Maria Elsabel Sio
Corpuz, 41 ang mga paratang laban sa kanila kaugnay ng umano’y human
trafficking at wage theft.
Ayon sa ulat,
inakusahan ang dalawa ng pananamantala sa tatlong Filipino caregivers na
umano’y walang sapat na dokumento. Sinasabing ginamit nila ang katayuan ng mga
biktima sa immigration upang hindi mabayaran nang tama ang mga ito at
pagtrabahuhin nang lampas sa 24 oras kada araw sa mga elder care facility sa
North County, California.
Lumalabas din
sa imbestigasyon na karamihan sa mga caregiver ay mga immigrant na maaaring
undocumented, dahilan upang sila ay madaling mapasunod at mapagsamantalahan.
Dagdag pa
rito, pinagawa umano ang mga biktima ng mga gawaing medikal tulad ng pagbibigay
ng gamot at insulin injections sa mga pasyente kahit wala silang sapat na
training o certification.
Sa
kasalukuyan, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kaso habang pinaghahandaan
ang susunod na pagdinig sa korte.
Inaasahan
naman na mabibigyan ng sapat na proteksyon at tulong ang mga biktima alinsunod
sa mga umiiral na batas laban sa human trafficking.

0 Mga Komento