Patay sa
tuklaw ng ahas ang isang 6-anyos na batang babae sa Zamboanga del Sur.
Ayon sa ulat,
kasama ng bata ang ina nito nang mangyari ang insidente kung saan wala itong
kaalam-alam na ang nilapitang butas sa lupa ay lungga pala ng cobra.
Mabilis naman
siyang isinugod sa ospital at tinurukan ng anti-venom. Ngunit, hindi pa rin ito
sapat dahil kapansin-pansin pa rin ang panghihina at hirap huminga ng bata na
naging dahilan s amabilis na pagkalat ng venom sa kaniyang katawan.
Sumailalim
din sa operasyon ang kamay ng biktima kung saan siya natuklaw, bunsod ng labis
na pamamaga nito.
Matapos ang
ilang araw, tuluyang binawian ng buhay ang biktima dahil sa iba't ibang
komplikasyon at pagbigay ng ilan niyang organs katulad ng kidney.
Patuloy
namang nanawagan ang mga awtoridad sa patuloy na pag-iingat ng mga residente,
lalo na sa mga nakatira sa liblib at masusukal na parte ng naturang lugar.

0 Mga Komento