Panibagong taas-presyo sa gasolina at diesel ang aasahan ngayong
linggo, batay sa industry estimates na inilabas sa oil price watch.
Base sa pagtataya, maaaring tumaas ang presyo ng diesel ng
₱17 hanggang ₱19 kada litro sa Martes, habang ang gasolina ay posibleng tumaas
ng ₱3 hanggang ₱5 kada litro.
Mas mataas ito kumpara sa nakaraang linggo, kung saan
naitala ang pagtaas ng diesel na nasa ₱4.50 hanggang ₱12.90 kada litro at
gasolina na nasa ₱1 hanggang ₱2.90 kada litro.
Samantala maaari namang umabot sa ₱170 kada litro ang diesel
sa ilang sitwasyon, na maglalagay ng dagdag na pasanin sa mga motorista at
transport operators, lalo na sa mga bumalik mula sa Holy Week break.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento