PAGGAMIT NG SOLAR ENERGY SA GOV’T OFFICES, ISINUSULONG NG ILANG MAMBABATAS


 

Isinusulong ng ilang mambabatas sa pamahalaan sa pagpapatupad ng apat na araw na pasok at paggamit ng solar energy sa mga tanggapan ng gobyerno.

 

Batay sa House Bill No. 3126 o mas kilala na On-Grid Solar Energy Systems na inihain ni Abra Lone District Rep. JB Bernos, binibigyang mandato ang mga tanggapan sa gobyerno na gumamit ng on-grid solar energy systems maging sa national man at local government-owned building na layong maibsan ang epekto ng masyadong mataas na presyo ng kuryente.

 

Sa ilalim ng panukala ay nangangailangan ang gobyerno na ang 20% ng average monthly utilization (AMU) ay masakop ng on-grid solar energy systems sa loob ng isang taon.

 

Ang AMU sa ilalim ng naturang sistema ay itataas ng 40 posyento sa unang dalawang taon, 60 porsyento sa ikatlong taon, 80%sa ika-apat na taon at 100 porciento sa ikalimang taon.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito