AGAW-TABLET SA TALISAY CITY, NAUWI SA PANANAKSAK



Sugatan ang isang 14-anyos na lalaki matapos saksakin sa Barangay San Roque, Talisay City, Cebu.

Nakuhanan ng CCTV ang insidente kung saan makikitang sakay ng motorsiklo ang dalawang suspek na huminto sa harap ng biktima at mabilis na hinablot ang hawak nitong tablet.

Tinangka ng biktima na tumakbo palayo, ngunit agad siyang nahabol ng mga suspek. Sa gitna ng insidente, sinubukan ding depensahan ng ina ang kanyang anak habang pilit silang nilalabanan ng mga salarin.

Nagtamo ng sugat ang biktima matapos saksakin ng isa sa mga suspek gamit ang ice pick. Ang ina naman nito ay nagtamo ng mga pasa dulot ng komosyon.

Sa ngayon, naaresto na ang isa sa mga suspek at nasa kustodiya na ng pulisya, habang patuloy pang pinaghahanap ang isa nitong kasamahan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito