Ikinababahala
ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang
pagkakasangkot ng ilang Filipino-Americans (Fil-Am) sa armadong kilusan sa
Pilipinas.
Lumitaw ito
matapos makumpirma na dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nasawi sa
isang operasyon sa Toboso, Negros Occidental ay mga Fil-Am citizen.
Nauna rito,
isang Fil-Am activist na si Chantal Anicoche ang nasagip matapos ang isang
engkuwentro sa Mindoro, habang hindi pa rin natutukoy ang kinaroroonan ng isa
pang Fil-Am na si Christina Pasion.
Dahil sa mga
insidenteng ito, nanawagan ang NTF-ELCAC sa mga Pilipino sa ibang bansa na
maging maingat sa mga sinasalihang advocacy group, dahil maaaring gamitin umano
ang mga ito ng mga komunista para sa recruitment.
Samantala,
iginiit ng Philippine Army na isang lehitimong engkuwentro at hindi massacre
ang nangyari sa Toboso, at bilang patunay ay ang pagkakarekober ng 24 na armas
mula sa pinangyarihan.

0 Mga Komento