Kasalukuyang nagpapagaling ang dating beauty queen at actress na si Maria Isabel Lopez matapos makaligtas sa isang car accident.

“Survived a car crash. Thank you Lord,” ani ng aktres sa kaniyang Instagram story.

Ipinahayag naman ng anak nitong si Mara Lopez na nasa maayos nang kondisyon ang ina nito sa kabila ng nangyari.

“She’s alive and that’s all that matters,” saad ni Mara.

Nabatid na si Maria Isabel Lopez ay kinoronahan bilang Binibining Pilipinas Universe 1982 at naging kinatawan ng bansa sa Miss Universe 1982 pageant sa Lima, Peru.