8,000 NA MGA GURO AT SCHOOL HEADS SA WESTERN VISAYAS, MANUNUMPA SA ILALIM NG ECP PROGRAM

 


Nakatakdang gaganapin ngayong araw, April 27, 2026, ang Mass Oath Taking ng halos 8,000 na mga guro at school heads mula sa iba’t ibang lugar ng Region VI – Western Visayas.

Ang naturang mass oath taking ng mga bagong promote na mga guro at school heads sa Western Visayas ay isinagawa sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) Program.

Pangungunahan ni DepEd Secretary Sonny Angara ang panunumpa, kasama si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na maghahatid ng kaniyang mensahe kasama ang First Lady na si Liza F. Marcos.

Ang Expanded Career Progression (ECP) ay programa ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos na naglalayong bigyang pagkakataon ang mga guro upang mapabilis ang kanilang promotion at maitaas ang antas ng kanilang pagtuturo.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito