NATIONAL ID, REQUIRED NA SA SOCIAL PENSION NG INDIGENT SENIORS

 



Mas hihigpitan na ang verification process para sa mga senior citizen na tumatanggap ng social pension.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ire-require na ang paggamit ng National ID sa pagkuha ng kanilang pensyon, na magsisimulang ipatupad ngayong buwan ng Abril.

 

Layunin ng bagong patakaran na magkaroon ng mas maayos at unified na database, gayundin ang mas mabilis na pagproseso ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) program kung saan tumatanggap ng P1,000 kada buwan ang mga senior citizen na walang regular na pensyon o pinagkakakitaan.

 

Sa ilalim ng bagong panuntunan, kinakailangang ipakita ng mga benepisyaryo ang kanilang PhilSys National ID o anumang dokumento na naglalaman ng kanilang PhilSys number sa pag-claim ng buwanang ayuda.

 

Gayunpaman, nilinaw ng DSWD na hindi maaapektuhan ang mga senior citizen na hindi pa nakakatanggap ng kanilang National ID. Maaari pa rin silang gumamit ng iba pang valid government-issued IDs bilang alternatibo.

 

Samantala, tiniyak naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) na personal nilang pupuntahan ang mga bedridden na benepisyaryo upang maisagawa ang kanilang registration sa PhilSys.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito