Arestado ang
60-anyos na nagpakilalang “King” at 14 na iba pa sa ikinasang entrapment
operation ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa
Santa Rosa City, Laguna.
Ang 60-anyos
na suspek ay kilala sa bansag na “Supremo”. Inilalarawan din nito ang sarili bilang
“Spiritual Wonder Boy” at “King” ng tinatawag na Royal Kingdom of Maharlika at
Royal Vanguard Transnational Intelligence Inc.
Ayon sa ulat,
hinihikayat ng suspek ang publiko na sumali sa isang hindi rehistradong online
investment kapalit ng pangakong kikita mula sa nakatago umano niyang yaman.
Dahil sa
pangako nitong tig-P5 milyon bawat isa at 2% na share sa kanyang koleksyon mula
sa 174 bansa na may utang sa Pilipinas, maraming mga indibidwal mula sa Luzon,
Visayas at Mindanao ang nagpa-miyembro.
Karamihan sa
mga miyembro nito ay mga matatanda at mga katutubo na kaniyang inaalukan ng ‘yellow
card’ na may P150 na bayad at ‘green card’ na may P5,500 na bayad sa
pamamagitan ng iba’t ibang online platform.
Dahil dito,
nakatakdang humarap ang mga suspek sa paglabag sa Securities Regulation Code
(RA 8799) kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175).
0 Mga Komento