MGA NAGPAREHISTRO PARA SA BSKE 2026 UMABOT NA SA MAHIGIT 3.6 MILYON- COMELEC

 



Mahigit 3.6 milyong Pilipino na ang nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre, batay sa pinakahuling datos ng Commission on Elections (COMELEC).

 

Ayon sa COMELEC (As of March 31) nakapagproseso na ito ng 3,697,800 na aplikasyon sa buong bansa, mas mataas sa inisyal na target na 1.4 milyon.

 

Nabatid na ang region IV-A (CALABARZON) ang may pinakamataas na bilang ng mga aplikante na may 610,859.

 

Sinusundan ito ng Region III (Central Luzon) na may 417,603 registrants, at ang National Capital Region (NCR) na may 372,503.

 

Samantala ang pagpaparehistro ng botante sa buong bansa para sa 2026 BSKE ay tatagal hanggang Mayo 18, 2026.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito