MATAAS NA PRESYO NG LANGIS, POSIBLENG TUMAGAL HANGGANG KATAPUSAN NG TAON

 


Maaaring magpatuloy hanggang katapusan ng taon ang pagtaas ng presyo ng langis sa Pilipinas dahil sa patuloy na sigalot sa pagitan ng US-Israeli forces at Iran, ayon sa Department of Energy (DOE).

 

Sa isang pahayag ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad nabatid na halos wala o kaunting barko lamang ang nakakatawid sa Strait of Hormuz dahil sa umiiral na blockade, na nakakaapekto sa global oil supply.

 

Dagdag pa nito, kung magpapatuloy ang tensyon at hindi pa malinaw ang kasunduan ng magkabilang panig, maaaring umabot pa hanggang katapusan ng taon ang epekto nito sa presyo ng langis.

 

Apektado rin ang Pilipinas dahil sa mataas na pagdepende sa imported oil, kung saan umabot na sa mahigit P100 kada litro ang presyo ng gasolina sa ilang panahon.

 

Sa kabila nito ipinasiguro ng DOE na patuloy ang pagbili ng reserbang diesel at LPG ng PNOC; pinalalawak din ang P10/liter fuel discount program para sa PUV drivers nationwide; at ipinapatupad ang mga hakbang para maiwasan ang overpricing ng langis.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito