Ipinasiguro ng Department of Energy (DOE) na tinatapos na
nila ang draft amendments sa Oil Deregulation Law at isusumite ito sa Kongreso
sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni DOE Director Rino Abad na tinitingnan din ng DOE
ang posibleng pagbabago sa Price Act, habang binigyang-diin na layunin ng
gobyerno na maiwasan ang overpricing sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis
dahil sa tensyon sa Middle East.
Patuloy na binabantayan ng DOE ang galaw ng pandaigdigang
presyo ng langis, lalo na sa May 1 na paglalabas ng oil pricing ng Saudi Aramco
na maaaring makaapekto sa susunod na fuel price adjustments sa bansa.
Kasabay nito, ipinanawagan ni Deputy Minority Leader at APEC
Rep. Sergio Dagooc nitong Martes na hindi lang ang Oil Deregulation Law ang
dapat amyendahan, kundi pati ang Presidential Decree No. 334 o charter ng
Philippine National Oil Company (PNOC), sa gitna ng patuloy na pagtaas ng
presyo ng gasolina.
Dahil dito balak nitong maghain ng panukala na mag-uutos sa
PNOC na magtayo at mag-operate ng mga oil depot sa Luzon, Visayas, at Mindanao
na kayang mag-imbak ng suplay ng langis ng bansa para sa hanggang 60 araw.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento