22 BUDDHIST MONKS, ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA DROGA

 


Arestado ang 22 na mga Buddhist monks sa Sri Lanka matapos mahulihan ng mahigit 110 kilograms ng cannabis sa isang international airport sa Colombo.

Ayon sa mga awtoridad, nagmula sa Thailand ang mga Buddhist at may dala-dalang suitcase na naglalaman ng tig-5 kilos ng cannabis sa Bandaranaike International Airport.

Aabot naman sa tinatayang $3.45 million ang halaga ng mga narekober na illegal na gamot.

Sinasabing ito na ang ika-labing-isang insidente ng pagkakaaresto sa Buddhist monks sa paliparan dahil sa ilegal na droga.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Police Narcotics Bureau sa Sri Lanka upang matukoy kung may koneksyon ang smuggling activities sa local drug-running networks.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito