19 PATAY SA LABANAN SA NEGROS; DALAWANG BIKTIMA, PAWANG MENOR DE EDAD

 



Nadiskubre na kabilang sa 19 na indibidwal na nasawi sa engkwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental ang dalawang menor de edad.

Ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), kinilala ang mga ito bilang sina Jolinda Jimena, 16 anyos, at Dexter Patoja, 17 anyos.

Ang kanilang pagkakakilanlan ay batay sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), na kinumpirma rin ng kanilang mga kaanak.

Dahil dito, nagpahayag ng pag-aalala ang NTF-ELCAC sa insidente, lalo na sa pagkakasangkot ng mga kabataan sa armadong labanan.

Inilarawan din ng ahensya ang sitwasyon bilang isang “disturbing pattern” ng recruitment ng NPA, kung saan maging ang mga menor de edad at ilang dayuhan ay nasasangkot umano sa grupo.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito