Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, lalong
nahihirapan ang mga nagnenegosyo ng itlog, balut, at penoy na mapanatili ang
kanilang kabuhayan.
Sa isang farm sa Candaba, Pampanga, napilitan na lamang itapon
ang dose-dosenang itlog, balut, at penoy matapos itong hindi maibenta dulot ng
mataas na presyo ng petrolyo.
Ayon sa ulat, ikinadismaya ng mga nagtitinda ang halos kawalan
ng bumibili sa kanilang mga paninda.
Hindi na rin nila maipadala ang kanilang mga produkto sa ibang
lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel.
Dahil dito, may ilan sa kanila ang napilitang ipamigay na
lamang ang kanilang mga paninda upang mapakinabangan pa.
Batay sa pinakahuling price monitoring ng Department of
Agriculture (DA), naglalaro sa mahigit P6 hanggang halos P10 ang presyo ng
white chicken egg, depende sa laki nito.
0 Mga Komento