Arestado ang
tatlong kadete ng Philippine National Police Academy dahil sa kinasasangkutang
hazing at pagmaltrato sa mahigit 20 underclassmen sa loob ng akademya.
Sa ulat ng
ABS-CBN, nagtamo ang mga biktima ng mga paso at lapnos sa iba’t ibang bahagi ng
katawan kabilang ang likod, binti, at maging sa maseselang parte matapos
pahiran ng pinaghalo-halo umanong kemikal ng drain cleaner at muriatic acid.
Sinasabing
nag-ugat umano ang insidente nang sisihin ng mga suspek ang mga force men
kaugnay ng isang 4th Class cadet na balak nang mag-resign. Dahil dito,
pinarusahan umano ang buong grupo.
Patuloy
namang nagpapagaling ang mga nasugatang kadete at binibigyan ng medical at
psychological support.
0 Mga Komento