P8 BILLION SUBSIDY SA BARANGAY AT MGA ESTUDYANTE, APRUBADO NG PANGULO

 


Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tulong-pinansyal na P8 billion para sa mahigit 42,000 na mga barangay sa buong bansa bilang tugon sa naging epekto ng nangyayaring krisis sa Middle East.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, makakatanggap ng tig-P200,000 ang bawat barangay sa ilalim ng programang “Bawat Barangay Makikinabang” kung saan popondohan nito ang mga proyekto sa edukasyon, social at economics.

Sinabi naman ng Malacañang na gagamitin sa pangangailangan ng komunidad ang kalahati mula sa nasabing pondo tulad ng street lights, patrol vehicles, closed-circuit television (CCTV) cameras at power generators para sa mga health centers at evacuation facilities.

Habang, ang matitirang kalahati sa pondo ay nakalaan sa “finisher program” na magsisilbing financial assistance ng mga college seniors na na nanganganib na huminto sa pag-aaral dahil sa kakulangan sa pinansyal.

“We will not allow them to stop in their final year of studies,” ani ni Recto.

Una nang umarangkada ang nasabing programa noong March 24 sa 5,000 na mga barangay na tumanggap ng initial batch ng pondo “without fanfare”.

Inaasahan namang makukumpleto ang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa mga barangay bago ang buwan ng Hunyo.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito