2.66 MILLIONG MGA PINOY WALANG TRABAHO NOONG PEBRERO 2026

 



 

Aabot sa 2.66 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Pebrero 2026, ayon sa Labor Force Survey (LFS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

 

Mas mababa ito kumpara sa 2.96 milyon noong Enero 2026, ngunit mas mataas kaysa sa 1.94 milyon noong Pebrero ng nakaraang taon.

 

Tumaas naman sa 52.09 milyon ang bilang ng mga Pilipinong edad 15 pataas na may trabaho o naghahanap ng trabaho, mula sa 50.89 milyon noong Enero 2026 at 51.09 milyon noong Pebrero 2025.

 

Sa 994,000 na nadagdag sa labor force noong Pebrero, 271,000 lamang ang nakapasok sa trabaho, habang 724,000 ang nanatiling walang trabaho.

 

Dahil dito, ang unemployment rate noong Pebrero ay nasa 5.1%, mas mababa kumpara sa 5.8% noong nakaraang buwan, ngunit mas mataas kaysa sa 3.8% noong Pebrero 2025.

 

✍️ TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito