May pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) na
hanggang sa double-digit ngayong Abril 1, bunsod ng paggalaw ng international
contract prices.
Nabatid sa Petron Corporation, na nagpatupad ito ng ₱20 kada
kilo na dagdag-presyo o katumbas ng humigit-kumulang ₱220 na dagdag sa
karaniwang 11-kilogram na tangke.
Habang tinataya na ₱17 kada kilo naman ang itataas sa Solane
LPG sa kaparehong araw.
Batay sa datos ng Department of Energy (DOE), nasa pagitan
ng ₱818.62 hanggang ₱1,128.62 ang presyo ng isang 11-kilong LPG tank noong
Marso 2026.
Nauna nang nagbabala ang LPG Marketers Association (LPGMA)
na maaaring umabot sa ₱1,500 ang presyo ng LPG tank sa Abril dahil sa tumataas
na shipping costs na dulot ng limitadong access sa Strait of Hormuz.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento