APP NA IWAS “BUDOL” SA PRESYO NG BILIHIN AT GAS, INIMBENTO NG ISANG PINOY


 

Dahil sa nagmamahalang presyo ng mga bilihin sa merkado, isang pinoy ang nakaisip na gumawa ng app na makakatulong sa mga mamamayan na ma-monitor ang presyo ng mga bilihin at maging ang langis.

Sa ulat, inimbento ng Pinoy developer ang “Ano Mura” app upang ipakita sa mga users ang mga bilihin na makakatipid sila upang makaiwas sa malaking paggastos sa pamimili. 

Layon din nitong hindi mabiktima ng pambubudol ng ilang mga negosyante na minsa’y sinasamantala ang sitwasyon upang taasan ng sobra-sobra ang mga bilihin.

Ang “Ano Mura” app ay nagsimula pa noong pandemya ngunit hindi na naipagpatuloy ang proyekto sa kakulangan sa kasanayan.

Ngunit sa pag-usbong ng iba’t ibang Artificial Intelligence (AI) tools, muli nitong binalikan ang proyekto, kaya ilang araw lamang ang nakalipas, nakakita na ito ng output, dahil bilang developer, naging malaking tulong daw ang AI sa kaniya. 

Bukod pa sa presyo ng mga bilihin, makikita rin sa features nito ay ang presyo ng krudo, na mula rin sa suhestiyon ng users nito, kung saan ang pinagbabasehan naman niya ay ang Department of Energy (DOE). 

Dahil ongoing pa ang development ng kaniyang proyekto, nais niya pa itong dagdagan ng notification system na magsisilbing “heads up” ng user sa mga pagbabago sa presyo. 

Isa pa sa plano niyang ilagay sa proyekto ay ang newsletter na naglalaman ng buod ng mga naging pagbabago sa mga bilihin at krudo, na matatanggap ng users linggo-linggo. 

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito